Ang Karanasan sa Pag-ibig ng Diyos

This year is about to end, time flies so fast. I can still recall how I welcomed 2020 with full of positivity, how I promised myself that ‘this year’s gonna be my best year’ with a vibrant-classic-blue shirt on me. I imagined myself living my 2020 the way others lived their 22. I thought mine will be just how Taylor Swift described it in one of her songs. All my life I have been looking forward to my 22 years, and yes, I admit that mine is, and always will be memorable, in its own unique way.

Totoong napakabilis ng panahon. Nagsimula na ang bagong taon para sa bawat isa. Bagamat marami tayong pinagdaanan noong narakaraang taon, hindi natin masasabing nagkulang ang ating Panginoon. Nariyan ang pagsabog ng Taal, dumating ang Covid, nakaranas tayo ng mga paglindol sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at kamakailan lamang ay nakaranas tayo ng malawakang pagbaha. Ngunit sa kabila ng mga ito, naranasan pa rin natin ang kabutihan ng Panginoon. May mga bagay na sa atin ay nawala at may mga kinuha ngunit ang pangako ng Diyos ay patuloy na nagpapaalala sa atin na hindi tayo nagkukulang.

I keep on looking forward to this year as my ‘best year.’ I already built my own definition of ‘best year’ in my head so much. That this year is the year where all of my hard works from 2019 will be paid off, that I will meet my goal, that I will be the best version of myself, and work on it in every aspect. I expected my 2020 to be just all about me. So, when all the unexpected things happened, I broke down.

Bawat buwan na dumaan sa taong ito, ito’y mga buwan na nararanasan natin ang pag-ibig ng Diyos. Maaaring sa tingin natin ang mga ito ay negatibo, ngunit sa paningin ng Diyos, ito ay positibo. Ito rin ay magiging positibo sa atin kung tunay tayong nagmamahal sa ating Panginoon. Marami sa atin ang nagtatanong kung tayo ba ay iniibig talaga ng Diyos. “Kung talagang mahal tayo ng Panginoon, bakit natin nararanasan ang mga bagay na ito?”, “Bakit sa akin nangyari ito?”, “Lord, nasan ang pag-ibig mo?”, ngunit sabi sa Roma 5:8, “Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa…”, patuloy tayong pinapaalalahanan ng Diyos na ibinigay Niya ang kaniyang kaisa-isang anak para sa ating mga kasalanan.

Paano ba natin masusukat ang pag-ibig ng Diyos? Ito ba ay sa mga kabutihang ginagawa lamang sa atin ng Diyos? O ito ba ay kapag ibinigay ng Diyos ang ating mga panalangin? Masusukat lamang natin kung gaano kalaki, gaano kabigat o gaano kadakila ang pag-ibig ng Diyos para sa atin kapag naunawaan natin kung gaano tayo makasalanan o hindi karapat-dapat sa lahat ng ginagawa ng ating Panginoon. Naalala ko ang tanong ng isang Pastor, “Sino sa inyo ang hindi pa nagkakasala?” lahat ay nabigla sa tanong na iyon ng Pastor at lumingon-lingon ang bawat isa kung mayroon bang nagtaas ng kamay. Sinabi ng Pastor, “Kung isa man sa inyo ang nagtaas ng kamay, Abay, nagsisinungaling siya at isa na iyong kasalanan”. Kung iyong iisipin, tama ang sinabi na iyon ng Pastor. Walang ni isa sa ating ang hindi pa nagkakasala, ito ma’y maliit o malaki. Minsan may mga tao na patuloy na dumadaing dahil sa mga nararanasan nila. Ngunit minsan dahil sa mga nararanasan natin, nakalilimutan at tinatalikuran natin ang ating Diyos.

May kuwento sa Bibliya tungkol sa anak na hiningi na ang kaniyang mana kahit hindi pa namamatay ang kaniyang ama. Sa pakiramdam ng ama ay parang pinapatay na siya ng kaniyang anak sa paghingi nito ng kaniyang mana. Pagkakuhang pagkakuha nito’y kaagad itong umalis upang ilustay ang kaniyang nakuhang mana sa mga walang katuturang mga bagay. At dumating ang oras na ang mga ito’y naubos at sa lugar kung saan siya’y nagtungo, nagkaroon ng taggutom. Napagtanto ng anak na doon sa kanilang tahanan ay kumakain siya ng maayos, ngunit naisip rin niya na kung siyang babalik sa kanilang tahanan, dahil sa kaniyang kasalanan ay maaari siyang batuhin at maging bunga ng kaniyang kamatayan. Ngunit bumalik pa rin siya sa kaniyang ama at sinabi niya sa kaniyang sarili na hihingi siya ng tawad dito. Pagkarating niya sa kanilang bahay, nakita siya ng kaniyang ama at patakbong lumapit sa kaniya at niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Inilalarawan ng Diyos ang kaniyang sarili sa ama na nasa kuwento. Hindi niya sinabi na “Ngayon babalik-balik ka pagkatapos mong kuhain ang iyong mana.” Ang Diyos ay mapagpatawad at hindi nagtatanim ng galit sa kaniyang mga anak kahit ito’y tinalikuran na at itinakwil. Itong ama na ginawan ng masama ang siya pa ring lumapit at tumakbo papalapit sa kaniyang anak upang tanggapin muli ito. Ganito katindi ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Ipagdidiwang ng Panginoon kung tayo ay babalik sa kaniya at lagi nating tatandaan na may magandang planong ang Panginoon sa kabila ng ating nararanasan ngayong panahon na ito.

Share this post